gumuguhit sa langit
ang mga matatalim
na kiwal ng kidlat
sa pagkakayungyong
ng makakapal na bagwis
ng karimlan;
Sa silong nito,
natagpuan ko
ang aking sariling
lugami sa burak
ng kapighatiang
dala ng kapalaran.
Koleksyon Ng Mga Maaalab, Madamdaming Likhang-Sining Sa Panitikan ( Blazing Arts And Literature Collection). Mula Sa Mga Bagong Sibol Na Manunulat; Mga Makata Ng Makabagong Panahon( From The New Generation Of Poets And Writers).
Ningas: Lagablab Sa Pusikit Na Karimlan
Inihahandog ang likhang kaisipang ito sa lahat ng nagnanais ng makabuluhang kathang sining--tula,sanaysay,maikling kuwento,atbp.
Ito'y mga pinagtagpi-tagping pananaw at pangarap ng may-akdang nagsusumukdol ang daluyong ng mayamang sagimsim.
Ito'y magsisilbing ningas upang pawiin ang lamig ng ating malay, bubuhay, tatanglaw sa kaisipang nababalutan ng kawalang-katiyakan. Mandin, ito'y nakapagpalambot ng batong damdamin.
Pagpasensiyahan n'yo po lamang ang mga maaaring pagkakamali na sa unang limbag ay di-maiiwasan. Sa tulong ng inyong mga puna, komento, ay mai-aangat ng may-akda ang antas ng mga ito.
Sa inyo po ang kanyang taus-pusong pagpupugay.
0 comments:
Post a Comment